^

Metro

Pulis may holiday break - Gen. Carlos

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Philippine National Police chief Gen. Dionardo Carlos na magkakaroon ng  holiday break ang mga pulis upang makasama ang kanilang mga pamilya.

Ang paniniyak ay ginawa ni Carlos   kasabay sa isinagawang  tradisyunal na  Christmas tree lighting kamakalawa sa Camp Crame.

Ayon kay Carlos, inatasan na niya ang PNP Directorate for Personnel na ayusin ang plano para sa pagpapauwi sa mga pulis sa kani-kanilang mga lalawigan ngayong Holiday season.

Paliwanag ni Carlos, hindi biro sa mga pulis na  ang  mawalay sa pamilya alang-alang sa kanilang sinumpaang tungkulin lalo na ngayong may pandemya.

Hahatiin ang holiday break  sa Christmas at New Years break.

Una na itong  naisagawa noong panahon ni dating PNP chief at ngayo’y Senador Ronald Bato Dela Rosa.

Dito ay pahihintulutan na pansamantalang mag-report sa mga himpilan ng pulisya sa kani-kanilang mga probinsya ang mga pulis, upang magampanan pa rin nila ang kanilang tungkulin.

Samantala, nilinaw ni Carlos na bagama’t may holiday break may ilang tanggapan pa rin ang naka alerto ngayong holiday season.

vuukle comment

CARLOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with