^

Metro

75 vaccination sites inilaan ng Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
75 vaccination sites inilaan ng Maynila
Kabilang sa mga paghahanda ang paglalagay ng 18 community sites para sa first at second dose ng Pfizer ng mga minors na edad 12-17 at lahat ng brands para sa booster shots ng mga health frontliners, se­niors citizens at persons with specific comorbidities; apat na shopping malls para sa second dose para sa eligible minors; at anim na city-run hospitals para sa first at second dose para sa eligible minors, first dose para sa A1 hanggang A5 categories, lahat ng brands at booster para sa A1, A2 at A3, lahat ng brands.
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — May 75 vacination sites ang inilaan ng Manila City Government bilang pagpapakita ng todo suporta sa isasagawang three-day National Vaccination Day sa susunod na linggo.

Kabilang sa mga paghahanda ang paglalagay ng 18 community sites para sa first at second dose ng Pfizer ng mga minors na edad 12-17 at lahat ng  brands para sa booster shots ng mga health frontliners, se­niors citizens at persons with specific comorbidities; apat na shopping malls para sa second dose para sa eligible minors; at anim na city-run hospitals para sa first at second dose para sa eligible minors, first dose para sa A1 hanggang A5 categories, lahat ng brands at booster para sa A1, A2 at A3, lahat ng brands.

Sinabi pa ni Manila Mayor Isko Moreno na tatlong private schools ang gagamitin din sa administration ng first dose para sa eligible minors, kabilang dito ang Manila Cathedral School, Holy Child Catholic School at La Consolacion College, Manila.

Ito ay bukod pa sa 44 health centers na nakakalat sa mga pamayanan sa anim na distrito ng Maynila na magkakaloob din ng bakuna sa mga mamamayan.

Muli ay iginiit naman ni Moreno na paiiralin ang ‘open policy’ sa mass ­inoculation sa Maynila na nangangahulugan na ang lahat ay welcome na mabakunahan kahit hindi residente ng lungsod.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with