Bill sa tubig ng Maynilad, paperless na

Sa pamamagitan ng pag-enrol sa Maynilad Paperless Billing Program ay malilimitahan din na humawak ng printed copy ng water bill at physical contact ang mga kostumer na maaaring maling banta rin sa hawaan sa virus.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi na gagamit ng papel na resibo ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) sa pagkolekta ng bayad sa tubig ng mil­yong kostumer.

Ito ay dahil may option na ngayon ang mga  kostu­mer  na tumanggap ng  Electronic Statement of Account (e-SOA) sa halip ang buwanang printed copy  ng water bill.

Sa pamamagitan ng pag-enrol sa Maynilad Paperless Billing Program ay malilimitahan din na humawak ng  printed copy  ng water bill  at physical contact ang mga kostumer na maaaring maling banta rin sa hawaan sa virus. 

Kapag naka-enrol na sa programa, mas magi­ging madali na sa mga kostumer na maka-access  sa kanilang kasalukuyan at dating  Maynilad water bills via My Water Bill Portal at makakatanggap ng bill notifications via channel na kanilang gusto tulad ng sa email o sa  SMS. Malaki  rin itong tulong upang mabawasan ang basura sa pamamagitan ng paperless water bill.

Ang mga customers  ng Maynilad na may active My Water Bill online portal account nitong October 22 ay awtomatikong naka enroll na sa  Paperless Billing Program. Yaong mga walang  portal accounts ay maaaring mag enroll sa Paperless Billing Program  via SMS. Just key in MAYNILADON CONTRACT ACCOUNT NUMBER at send sa 09191626000 at saka sundin ang instructions  sa system. Maaari ring mag-aplay ang mga customers sa Maynilad Hotline 1626 (Metro Manila) or 1-8000-9283 (Cavite Province), Facebook page (/MayniladWater) o sa Twitter account (@maynilad), or email (customer.helpdesk@mayniladwater.com.ph). Maaari ding silang magtungomsa alinmang  Maynilad Business Area (BA) office  para ilang mga katanungan.

Show comments