^

Metro

Online booking system sa pagbisita sa sementeryo sa San Juan, bukas na muli

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsiyo kahapon ni San Juan City Mayor Francis Zamora na bukas nang muli ang online booking system ng lokal na pamahalaan para sa mga nais na bumisita sa mga sementeryo, bilang pag­hahanda sa Undas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Zamora na naging epektibo ang naturang sistema ipinatupad nila noong nakaraang taon   kaya’t nagdesisyon silang ipatupad itong muli ngayong taon.

“Last year, this was very effective in preventing super spreader events so we decided to once again implement the online booking for appointments to the cemetery ” ayon pa kay Zamora.

Kaugnay nito, sinabi ni Zamora na mula Oktubre 18 hanggang 28 at Nobyembre 3 hanggang 7, tanging ang mga may appointments lamang ang papayagang pumasok sa sementeryo.

Aniya, bubuksan ang sementeryo para sa mga nais bumisita sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay mula 8:00AM-10:00AM; 10:00AM-12:00NN; 12:00NN-2:00PM; 2:00PM-4:00; 4:00PM-6:00PM at 6:00PM-8:00PM.

Sa ilalim ng online booking system, dalawang tao lamang kada booking ang papayagan sa loob ng San Juan City Cemetery.

Maximum naman na 300 tao lamang ang papayagan sa loob ng sementeryo kada time slot.

Kaugnay nito, dakong alas-9:30 ng umaga kahapon ay nagsagawa na rin si Zamora ng inspeksiyon sa sementeryo upang matiyak na natutupad ang health at safety protocols, gayundin ang kahandaan nito na tumanggap ng mga bisita.

Alinsunod sa kautusan, sarado ang mga sementeryo at mga kolumbaryo mula Oktubre 29 hangang Nobyembre 2, upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao, na posibleng mauwi sa hawaan ng COVID-19.

Nakasaad din dito ang mahigpit na pagbabawal sa pagdaraos ng Halloween celebrations gaya ng ‘Trick or Treats’.

Nauna nang nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na higpitan ang access sa mga pampubliko at pribadong sementeryo sa rehiyon, gayundin ang mga memorial parks, at columbaria mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, dahil sa nananatiling banta ng COVID-19.

vuukle comment

FRANCIS ZAMORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with