^

Metro

Desisyon ng DOJ sa drug case ni Ongpin, hinihintay ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Desisyon ng DOJ sa drug case ni Ongpin, hinihintay ng PNP
Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Guillermo ­Eleazar na sinabing welcome sa PNP ang mga kaganapan sa reklamo sa droga na inihain laban kay Julian Ongpin.
The STAR / File

MANILA, Philippines — Hinihintay pa ng Philippine National Police (PNP) ang magiging desisyon ng Department of Justice (DOJ) laban kay Julian Ongpin, ang boyfriend at person of inte­rest sa  pagkasawi ng artist na si Bree Jonson .

Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Guillermo ­Eleazar na sinabing welcome sa PNP ang mga kaganapan sa reklamo sa droga na inihain laban kay Ongpin.

Nabatid na tinapos na ng DOJ ang imbestigasyon at isinumite ang drug complaint laban kay Ongpin, anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin para sa resolusyon dahil wala ng iba pang isyung lumutang sa  nasabing kaso.

“Sa ngayon, hintayin na lamang natin ang magiging desisyon sa isinampang rek­lamo laban kay Julian Ongpin. Buo ang ating tiwala na madedesisyunan nang tama ang reklamong ito laban sa kanya,” ayon sa PNP Chief.

Ang drug complaint laban kay Ongpin ay kaugnay ng pagkakarekober ng mga awtoridad sa 12.6 gramo ng cocaine sa loob ng kuwartong tinuluyan nila ni Jonson sa isang beach resort sa La Union.

Sa nasabing kuwarto rin natagpuang patay si Jonson noong Setyembre 18 kung saan duda ang pamilya nito na may naganap na foul play. Si Jonson ay inihatid na sa kaniyang huling hantungan sa Davao City noong nakalipas na linggo.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with