^

Metro

Higit 100 indibiduwal nagka-COVID-19 sa isang subdivision sa Parañaque

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot na sa 106 ang nagpositibo sa COVID-19 sa isang lugar  sa  Annex 35 ng Better Living Subdivision, Barangay Don Bosco, Pa­rañaque City, habang patuloy pa ang pagsasagawa ng swab test sa mga apektadong residente.

Sa kasalukuyan, niluwagan na ang hard granular lockdown at calibrated lockdown sa Annex 35, subalit ang mga authorized person outside of residence (APOR) lang tulad ng healthcare workers ang pinapayagang makalabas at makapasok sa erya.

May mga maliliit na negos­yo gaya ng tindahan at eate­ries ang pinayagang magbukas sa erya subalit walang dine-in.

Nabatid na ang gate 2 at gate 3 naman sa Russia St. at Annex 41 ay binuksan para sa mga sasakyang daraan patungo sa ibang lugar, habang ang gate 1 naman ay hindi nakapapasok maging ang delivery riders na magdedeliber ng order.

Sinabi ni Parañaque City public information officer Mar Jimenez, ang datos na naitala nitong Agosto 31 (Martes)  106 na ang nagpositibong naitala mulang noong isang linggo hanggang sa nasabing araw mula sa 560 residente  na sumailalim sa COVID-19 tests.

Nasa 1,200 katao ang mga nakatira sa Annex 35 o halos 90 household.

Nabatid na isinailalim sa lockdown ang Annex 35 matapos magtala ng 53 kaso na ngayon nga ay mahigit sa 100.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with