^

Metro

Suplay ng bakuna sa CAMANAVA, limitado na rin

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Suplay ng bakuna sa CAMANAVA, limitado na rin
Maging ang Navotas ay nag-anunsiyo rin na mga nasa A1 hanggang A3 lang ang babakunahan nila, at pansamantalang ihihinto ang pagtuturok sa essential workers dahil sa limitadong suplay ng bakuna.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inihayag ng mga lokal na pamahalaan sa CAMANAVA area na naglimita na rin sila kahapon ng operasyon nang pagbabakuna sa COVID-19.

Walang iskedyul  kahapon sa Caloocan City ng   first dose. Tanging  second dose lang ang binakunahan.

Ang mga naka-schedule namang higit 3,000 residente para sa una at ikalawang dose sa pitong vaccination site ang nabakuhahan sa Malabon.

Maging  ang Navotas ay nag-anunsiyo rin na mga nasa A1 hanggang A3 lang ang babakunahan nila, at pansamantalang ihihinto ang pagtuturok sa essential workers dahil sa limitadong suplay ng bakuna.

Sa Valenzuela City, tuloy ang pagtuturok sa siyam na COVID-19 vaccination sites, pero para lang muna ito sa mga babakunahan ng se­cond dose.

Ayon kay Dra. Beng Cruz, ang team leader ng kanilang vaccination program, paubos na rin ngayong linggo ang suplay nila ng ikalawang dose ng Sinovac.

Nag-anunsyo rin ang LGU sa kanilang social media account na habang naghihintay ng karagdagang suplay ng bakuna, hindi muna ito mamamahagi ng vaccination appointment para sa mga tatanggap ng unang dose sa lahat ng vaccination site sa lungsod.

vuukle comment

CAMANAVA

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with