^

Metro

Kompanyang nagpasuweldo ng barya sa empleyado, ipinasara

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluyan nang sinuspinde kahapon ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian  ang business   ng Nexgreen Enterprise  ang kompanyang nagpasahod ng  barya sa kanyang empleyado.

Ito ayon pa sa alkalde ay dahil sa patung-patong na kaso na kinakaharap ng kompanya.

Sa isinagawang meeting kahapon, humarap si Nexgreen Enterprise owner na si Jasper  Cheng So kay Gatchalian at sa nagrereklamong si Russel  Mañoza kung saan lumitaw  na hindi  binabayaran ni  So ng tama ang kanyang mga empleyado.

Batay sa  computation ng  Valenzuela City dapat na bayaran ni So si  Mañoza ng halagang  P55,649. 93 para sa  underpayment at hindi pagbabayad ng overtime at holiday pay. Hindi naman ito kinuwestiyon ni  So. Wala rin umanong coverage ang mga empleyado sa Social Security System, Pag-Ibig at PhilHealth.  Ayon kay Gatchalian,  posibleng hindi lamang si Mañoza ang dumanas ng pang-aapi sa Nexgreen.  Pinatotohanan ito ni Mañoza sa pagsasabing maraming empleyado ang umalis at hindi na lamang naghain ng reklamo. Isa ring kasamahan ni Mañoza ang biglang sinisante ni So.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ang mga manggagawa ang bumubuhay sa ekonomiya ng Valenzuela. “There is a pattern of not treating your workers properly. Tingin mo yata sa kanila singko sentimos lang e.  Mga tao ‘yan, may pamilya ‘yan,”  dagdag pa ni Gatchalian.

Uminit din ang ulo ni Gatchalian nang malaman niyang ‘nabluff’ siya ng secretary at adminstrative chief ni So nang sabihin nito na kumpleto ang kanilang  papeles  at bayarin sa mga empleyado nang magtungo  ito noong Lunes sa city hall.

Lumiitaw na business permit lamang ang hawak noon ng secretary at adminitrative chief ni So. Dahil dito binigyan sila ni Gatchalian ng 15 araw upang ayusin ang kanilang mga dokumento at mga bayarin.

Dahilan naman ni So  nagkamali ang kanilang  checker nang ibigay ang  barya kay Mañoza. Aniya ito ay  para sa religious offering at hindi para ipangsuweldo kay Mañoza.

vuukle comment

REX GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with