^

Metro

Robbery suspect, patay sa engkuwentro

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang robbery suspect, na nangholdap sa isang rider matapos na makaengkuwentro ng mga pulis sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen. Antonio Yarra, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan sa napatay na suspek na inilarawan lamang na nakasuot ng itim na jacket, nasa 25 hanggang 35-anyos, may taas na hanggang 5’7” at katamtaman ang laki ng pangangatawan habang nakatakas naman ang isa pang kasamahan nito.

Batay sa ulat ni QCPD-Batasan Police Station (PS 6) commander, PLtCol Romulus Gadaoni, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang engkuwentro sa IBP Road, malapit sa Pook Pag-asa, sa Brgy. Batasan Hills.

Nauna rito, sakay umano ng motorsiklo ang biktimang si Jonas Lincuna, 31, ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City at nagtungo sa Centris, sa kanto ng EDSA kanto ng Quezon Avenue, kasama ang kanyang kaibigan.

Habang pauwi na, tumigil pansamantala si Lincuna sa Batoda Terminal, Commonwealth Avenue kanto ng IBP Road, ngunit laking gulat umano niya nang bigla na lang siyang lapitan ng dalawang ‘di kilalang suspek na lulan din ng motorsiklo at nagdeklara ng holdap. Tinutukan umano siya ng baril ng mga ito kaya’t wala na siyang nagawa nang kunin ng mga ito ang kanyang mahahalagang gamit bago tumakas patungo sa direksiyon ng IBP Road.

Kaagad namang humingi ng tulong sa mga Barangay Public Safety Officers (BPSO) ang biktima. Hindi naman nag-aksaya ng oras ang mga pulis at nagsagawa ng dragnet operation sa IBP Road hanggang sa maispatan ang mga suspek na lulan ng kanilang motorsiklo.

Pinara umano ng mga pulis ang mga suspek ngunit sa halip na huminto ay nagtangka pang tumakas kung saan pinaputukan pa ng baril ng mga ito ang mga pulis na gumanti rin naman ng putok.

Natamaan at nasawi ang isa, habang tumakas naman ang kasama nito.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) mula sa suspek ang isang kalibre .38 revolver, isang metal jacket, at isang plastic sachet ng shabu.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with