Drive thru-vaccination, arangkada na sa Makati
MANILA, Philippines — Aarangkada ngayong araw ang kauna-unahang ‘on-the-go’ vaccination site sa Makati City para sa pagbabakuna ng person with disabilities at bedridden residents habang nasa loob ng sasakyan.
Inanunsiyo ito ni Ma-kati Mayor Abby Binay na ang kauna-unahang drive-thru vaccination site na bubuksan ngayong araw (Biyernes) ay sa Circuit Makati Estate grounds, sa pakikipagtulungan ng Ayala Malls Circuit.
“In response to nume-rous requests from persons with disabilities and families with a bedridden member, we have come up with this initiative. We understand the predicament of those who have no means of transportation or are physically unable to go through regular procedure,” ani Mayor Abby.
Nagpasalamat din ang alkalde sa Ayala Malls Circuit sa kontribusyon nitong makatulong sa pagtataguyod ng vaccination program para sa inaasam na herd immunity.
Inaasahang ang pagbabakuna sa drive thru vaccination site ay sisimulan sa may 100 bedridden patients at PWDs na nagparehistro na sa www.proudmakatizen.com na nakatanggap din ng confirmation.
Tiniyak ni Binay na hindi mahihirapan ang mga indibiduwal na walang sariling sasakyan sa pagtungo sa vac site dahil may nakalaang mga sasakyan ang lungsod at sapat na marshals at guides na tutulong at magmomonitor sa daloy ng mga sasakyan.
- Latest