4 drug suspect kalaboso sa buy-bust
MANILA, Philippines — Apat na kilabot na ‘tulak’ ang nalambat ng mga tauhan ng station drug enforcement unit ng Malabon City PNP sa isinagawang buy-bust operation sa Maria Clara St. Brgy. Acacia, Malabon City kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang mga nadakip na suspek na sina, Harold Antonio, 47; Sherwin Operario, 25; Niño Cacnio, 44, at Usha Tobias, 18 .
Agad na dinakma ang mga suspek matapos magpositibo ang palitan ng pera at ilegal na droga.
Nasamsam sa mga ito ang shabu na may timbang na 12.77 gramo at nagkakahalaga ng Php 86,836.00.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dange-rous Drugs Act ang mga nadakip.
- Latest