^

Metro

Mobile vaccination clinic sa Quezon City, umarangkada na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mobile vaccination clinic sa Quezon City, umarangkada na
Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama si DILG Usec. Nestor Quinsay ang pag-iinspeksyon sa tatlong bagong ‘QC ProtekTodo Bus’ o vaccination bus ng lungsod at isa rito ay sa Bulacan St., Payatas B, kahapon. Layon nito na mailapit mismo sa mga residente na nahihirapang gumamit ng gadgets para makapagpa-book online para sa bakuna at para sa aktuwal na bakuna para maiwasan din ang hawaan sa COVID sa mga vaccination sites.
Boy Santos

Cebu, Philippines — Inilunsad kahapon ng QC government ang mobile vaccination clinic para sa mga residenteng hindi marunong gumamit ng gadget para makapagpa- book online para sila ay mabakunahan kasama na ang mga senior at mga PWDs.

Ang tatlong mobile  clinic ay nagkakaloob din ng bakuna sa mga nabanggit para iwas sa hawaan at hindi na pupunta sa mga vaccination sites  para doon magpabakuna.

Isa sa mga bus ay may lifter para maiangat ang mga PWD na nais magpabakuna.

Protektado sa hawaan ng virus ang mga nagpapabakuna sa mobile clinic dahil isa-isa silang pinapapasok dito para bakunahan.

Bukod dito, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na nagsasagawa rin ang lokal na pamahalaan ng house-to-house vaccination para sa mga bedridden.

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with