OCD namahagi ng COVID-19 testing kits sa NCR
MANILA, Philippines — Nasa 97,000 antigen kits ang ipinamahagi ng Office of Civil Defense (OCD) upang mapalakas ang COVID-19 testing sa National Capital Region (NCR).
Ibinahagi ang mga testing kits sa 45 na pagamutan at local government units sa Metro Manila at karatig na probinsiya sa Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Ang nasabing bilang ay bahagi ng nakuha ng OCD sa ilalim ng Quick Response Fund sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Pinayagan kasi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease ang OCD na makabili ng kalahating milyong testing kits.
Sa ilalim ng IATF resolution, dapat tiyakin ng OCD ang mabilisang pag-detect ng mga kaso at tracing ng mga close contacts sa NCR Plus bubbles na nakitaan ng malaking pagtaas ng kaso.
Ang mga nakuhang mga test devices ay inilagay sa Armed Forces of the Philippines headquarters sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
- Latest