P30 milyong ng COVID-19 diagnostic tools at test kits nasabat, 9 katao arestado
MANILA, Philippines — Umaabot sa P30 milyong halaga ng diagnostic tools at test kits ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP), kung saan siyam katao na sangkot sa ilegal na bentahan nito ang naaresto sa isinagawang entrapment operations kamakalawa sa Quezon City.
Batay sa repot ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group nakilala ang mga suspect na Marize Santiago, 28; Joshua Raphael Bautista Ramirez, 21; Zeus Catamora Jimena, 27; John Vincent Almante Sumalabe, 23; Rio Joyce Mingay Perando, 20; Hermogenes Rivero Villordon, 28; Jomari Pareja Estrada, 21; John Marthy De Jesus Parentela, 22 atJohn Paolo Solibaga San Pedro, 28
Nabatid na nag-ugat ang operasyon base sa report na may nagaganap na ilegal na bentahan ng mga test kits at diagnostic test na kinabibilangan ng Joinstar, Clungene rapid test kit, Innovita antibody test, Sanli disposable virus specimen, at Wondfo rapid test kit sa naturang sinalakay na lugar. Nagawa pa umano ng mga suspect na i-online selling ang mga diagnostic tools at test kits.
Matapos na makumpirma sa Food and Drug Administration (FDA), na walang awtorisasyon ang bentahan ng test kit, agad na isinagawa ang entrapment operatons sa Brgy. South Triangle, Quezon City.
Agad na dinakma ang mga suspek nang tanggapin ang kabayarang P204,000 para sa 30 kahon ng Clungene rapid test kit.
Ayon sa pulisya, bigo ang mga suspect na magpakita ng license to operate o special permit sa pagbebenta ng test kits sa ilalim ng FDA Circular No. 2020-016.
- Latest