^

Metro

184K pamilya mabebenepisyuhan ng food aid ng SMC ngayong ECQ

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang food donation program ng San Miguel Corporation (SMC) ang maglalagay ng pagkain sa mga lamesa ng 184,000 mahihirap na pamilya sa loob at labas ng Metro Manila na apektado ng pinaigting na quarantine restrictions.

Sinabi ni SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang na tumulong ang mga local government units para sa nasabing donasyon na naglalaman ng 19,500 packs ng ready-to-eat meals at halos 86,400 piraso ng canned goods na lahat ay produkto ng kanilang food business na San Miguel Foods.

“It’s important for everybody to stay home as much as possible because of so many cases today. Our hospitals and medical front liners are having such a difficult time,” sabi ni Ang.

Ang inisyal na donasyon ay dinala sa mga siyudad at munisipalidad ng Manila, Quezon City, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasay, San Juan, Taguig, Valenzuela at Pateros kasama ang mga kapalit probinsyang Cavite at Laguna.

Ipapamahagi ang iba pang donasyon sa susunod na linggo.

Bukod sa mga ready-to-eat meals at canned goods, nagbigay rin ang SMC ng higit sa 148,000 packs ng nutribun bread.

Sa pagtama ng global COVId pandemic sa bansa noong 2020 ay pinasimulan ng SMC ang isa sa pinakamalaking pandemic response mula sa private sector na umabot sa P13 bilyon.

vuukle comment

SMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with