^

Metro

Dayo, huli sa baril at granada

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa hindi pagsusuot ng face mask, arestado ang isang lalaking dumayo sa isang lugar sa Taguig City at  nadiskubreng may dalang baril at granada habang nakatayo sa tabi ng scooter, nitong Linggo.

Nakilala ang dinakip na si Rex Pereda, 29 ,  ng St. Francis St., Oranbo Pasig City. Hindi na ito pumalag nang kapkapan sa beywang at makumpiskahan ng Magnum 22 revolver at belt bag na may lamang hand grenade.

 Sa ulat, dakong alas-12:20 ng hapon kamakalawa nang unang masita ang suspek ng mga tauhan Intelligence Section sa isinagawang anti-criminality operation habang nakatayo sa tabi ng isang motorsiklo  malapit sa Shane Store, sa Capistrano St., Brgy. Hagonoy, Taguig City na walang suot na face mask. Nang lapitan ng mga awtoridad   ay napuna ang nakabukol sa beywang na sa huli ay nadiskubreng baril.

 Nakatakdang ihain sa Taguig Prosectors’ Office ang reklamong paglabag sa City Ordinance #12 series 2020 sa hindi pagsusuot ng face mask; Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunition) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosive). 

vuukle comment

BOMB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with