13 brgy. sa Pasay isinailalim sa lockdown
Kaso ng COVID-19 sumirit
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Pasay City government na ipatutupad ang control at containment strategy sa lungsod kasunod ng biglaang pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Batay sa rekord, alas-12:00 ng hapon kahapon, nasa 269 ang mga bagong kaso ng COVID-19, na masyadong mataas sa average na 30 hanggang 50 kaso kada araw.
Isinailalim sa lockdown ang di bababa sa 13 barangay at nais pa ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na 3 o mahigit pang barangay ang ilalagay din sa lockdown, ani City Administrator Dennis Acorda.
Magtutulungan sa pagpapatupad ng paghihig-pit sa mga protocol at control strategy ang lokal na pulis, mga opisyal ng barangay, City Environment and Natural Resources Office, Tricycle-Pedicab Franchising and Regulatory Office, at ang Traffic and Parking Management Office. Sila ang ide-deputize para mag-isyu ng citation tickets sa mga lalabag sa health and safety protocols.
Maging ang public market ay babantayan din kung nakakasunod sa health protocols.
- Latest