^

Metro

Fixers sa Quezon City Hall, binalaan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Fixers sa Quezon City Hall, binalaan
“Sa mga fixer at iba pang gumagawa ng ilegal sa ating lungsod, mabuti pang magbalut-balot na kayo dahil may kalalagyan kayo sa aming lungsod. Sa tulong ng Quezon City Police District, liliit lang ang inyong mundo at siguradong babagsak kayo sa kulungan,” babala ni Mayor Belmonte.
Facebook/Quezon City Local Government

MANILA, Philippines — Binalaan ni Quezon City  Mayor Joy Belmonte ang mga fixer na nag-ooperate sa city hall  na kanyang ipakukulong sa oras na mahuling nambibiktima at nagsasamantala ng mga inosenteng mamamayan para makapanloko.

“Sa mga fixer at iba pang gumagawa ng ilegal sa ating lungsod, mabuti pang magbalut-balot na kayo dahil may kalalagyan kayo sa aming lungsod. Sa tulong ng Quezon City Police District, liliit lang ang inyong mundo at siguradong babagsak kayo sa kulungan,” babala ni Mayor Belmonte.

Ang babala ay ginawa ni Belmonte bilang reaksyon sa pagkaka-aresto ng QC police sa siyam katao na suspect sa mga kasong robbery extortion, grave threats at usurpation of authority.

Sa kanyang ulat kay  Belmonte, sinabi ni QCPD Director PBGEN Danilo Ma-cerin na ang mga suspek ay nahuli sa isang  entrap­ment operation na isinagawa ng mga tauhan sa Crime Investigation Section (CIS)  nang  magreklamo sa kanila ang isang contractor na kinilalang si Augusto Caesar Foronda na may isang Merlito De Luna ang nag-alok sa kanya na kaya niya ang anumang kontrata sa alinmang tanggapan ng gobyerno lalo na sa QC nang walang daraanan na bidding.

Nagpakilala pa umano ni  De Luna sa biktima  na sila ay empleyado ng QC govern­­ment at ginamit pa ang pa-ngalan ni Mayor Belmonte nang makipag meeting ang suspek sa biktima.

Ang suspek ay humingi ng P5.3 milyon  mula kay Foronda kapalit ng kontrata para sa isang infrastructure project. Nang pumayag sa kasunduan, lingid sa kaalaman ng suspek ay humingi ng tulong sa pulis ang biktima kaya nahuli sa isang entrapment operation  ang mga suspek.

“We laud the QCPD for its swift action that led to the arrest of these unscrupulous individuals. This should serve as a warning that Quezon City is serious in addressing criminality within our jurisdiction,” dagdag ni Belmonte.

Bunga nito, nanawagan si Belmonte sa mga taga-QC lalo na sa mga negosyante na huwag makikipag-ugnayan sa mga fixers lalo na kung mag-aaplay ng permit at ibang mga lisensiya.

Ayon kay  Belmonte, mabilis na ngayon ang proseso ng mga  permits, licenses at iba pang kailangang dokumento sa negosyo at iba pang mga transaksyon dahil sa pina­igting na computerization program na ipinatutupad sa mga tanggapan sa QC go-vernment.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with