^

Metro

2 MRT-3 officials, 42 personnel nagpositibo sa COVID: 1 na patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 MRT-3 officials, 42 personnel nagpositibo sa COVID: 1 na patay
Sa isinagawang inaugural run ng diesel hydraulic locomotive at passenger coaches ng Philippine National Railways (PNR) kahapon, na mula sa Indonesia, kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na dinapuan ng COVID-19 si Garcia, gayundin si MRT-3 Director for Operations Michael Capati.
AFP/Andrew Caballero-Reynolds

MANILA, Philippines — Dalawang opisyal ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), na kinabibilangan ni General Manager Rodolfo Garcia, at 42 pang personnel ng naturang rail line ang kumpirmadong nagpositibo sa  COVID-19  at isa na rito ang nasawi.

Sa isinagawang inaugural run ng diesel hydraulic locomotive at passenger coaches ng Philippine National Railways (PNR) kahapon, na mula sa Indonesia, kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na dinapuan ng COVID-19 si Garcia, gayundin si MRT-3 Director for Operations Michael Capati.

Ayon kay Tugade, si Garcia ay kasalukuyan pang nasa intensive care unit (ICU) at masusing minomonitor ng mga doktor ang kalagayan nito habang si Capati naman ay unti-unti nang nakakarekober mula sa karamdaman.

Samantala, sa isang hiwalay na pahayag naman, iniulat ng DOTr-MRT-3 na 42 personnel din nila ang kumpirmadong dinapuan ng virus.

Kabilang anila rito ang 36 na MRT office personnel sa kanilang train depot sa Quezon City, at anim na tauhan ng kanilang maintenance provider na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

Tiniyak naman ng MRT-3 na lahat ng personnel na nagpositibo sa virus ay pawang naka-quarantine na.

Gayunman, kinumpirma ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan sa isang panayam sa radyo na isa sa mga depot personnel nila ang sinawimpalad na masawi dahil sa virus.

Kaugnay nito, sinabi ng DOTr-MRT-3 na tuloy pa rin ang operasyon ng rail line.

Paliwanag nito, ang mga apektadong empleyado naman nila ay limitado lamang sa depot at hindi sa aktuwal na operasyon ng mga tren. Tiniyak din nila na wala pa ring COVID-19 cases na naitatala sa kanilang station personnel.

Bilang bahagi naman ng ipinatutupad na safety mea­sures, ang mga personnel sa MRT-3 depot ay pinag-work from home na lang muna, at tanging limitadong bilang ng mga essential office personnel, na pawang nagnegatibo sa RT-PCR swab test ang pinayagang mag-report physically sa depot.

Tiniyak din naman ng MRT-3 na mahigpit pa rin nilang ipinaiiral ang health at safety protocols sa lahat ng istasyon at mga tren ng MRT-3 upang maiwasan ang posibleng hawahan ng virus doon.

vuukle comment

DOTR

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with