^

Metro

Whole line operations ng LRT-2, balik na ngayong Biyernes!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Whole line operations ng LRT-2, balik na ngayong Biyernes!
Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Gen. Reynaldo Berroya, matapos ang lahat ng kaukulang pagsusuri na isinagawa nila na nagkukumpirma sa ‘stability at reliability’ ng provisional power supply, ay maaari na nilang buksang muli ang Santolan, Anonas at Katipunan stations ng LRT-2 upang magserbisyo sa mga pasahero.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Magandang balita para sa train commuters dahil magbabalik na ngayong araw, Biyernes, Enero 22, ang whole line operations ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) o biyahe mula sa Santolan, Pasig City hanggang sa Claro M. Recto Avenue, sa Maynila.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Gen. Reynaldo Berroya, matapos ang lahat ng kaukulang pagsusuri na isinagawa nila na nagkukumpirma sa ‘stability at reliability’ ng provisional power supply, ay maaari na nilang buksang muli ang Santolan, Anonas at Katipunan stations ng LRT-2 upang magserbisyo sa mga pasahero.

Nabatid na ang Safety and Security Division, Engineering, Contractor, at Consultants ng LRTA ang nagrekomenda sa muling pagbubukas ng natu­rang tatlong istasyon ng LRT-2.

Matatandaang unang isinara noong 2019 ang natu­rang tatlong istasyon ng tren matapos na masunog ang power rectifier ng linya nito sa Katipunan na siyang nagsusuplay ng kuryente sa mga tren.

Sanhi nito, nalimitahan ang biyahe ng mga tren ng LRT-2 ng mula Recto hanggang sa Cubao, Quezon City lamang.

Natagalan naman ang pagkukumpuni sa power rectifier dahil ang mga piyesa nito ay kinailangan pang orderin at angkatin sa ibang bansa, na lalo pang pinatagal ng banta ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, umapela naman si Berroya sa mga pasahero na maglaan ng ka­ragdagang oras sa kanilang biyahe dahil ang headway, o ang oras bago dumating ang isa pang tren sa istasyon, ay aabutin ng average na 14-minuto.

Paliwanag ni Berroya, ito ay dahil sa speed restriction na 30 kilometers per hour (kph) na kinakailangan nilang ipatupad habang papalapit ang tren sa Anonas station.

vuukle comment

LRT 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with