^

Metro

2 karnaper utas sa shootout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 karnaper utas sa shootout
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brig. Gen Danilo Macerin, inaalam pa nila ang pagkaka­kilanlan sa mga napatay na suspek, na inilarawang nasa 30-35 taong gulang, may kaputian, at may taas na hanggang 5’5.”
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawang lalaking karnaper ang nasawi nang manlaban umano habang inaaresto ng mga pulis sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brig. Gen Danilo Macerin, inaalam pa nila ang pagkaka­kilanlan sa mga napatay na suspek, na inilarawang nasa 30-35 taong gulang, may kaputian, at may taas na hanggang 5’5.”

Isa umano sa mga suspek ay nakasuot ng itim na sweatshirt, itim jogging pants, gray na sandals at may tattoo na “Diane Hermosa” sa kaliwang bahagi ng dibdib at “Itong Joy” naman sa likod, habang ang isa pa ay nakasuot ng itim na t-shirt, itim na jogging pants at gray na tsinelas.

Batay sa ulat ng QCPD, dakong ala-1:15 ng mada­ling araw nang maganap ang engkuwentro sa Biak na Bato, malapit sa kanto ng Don Manuel Agregado St. sa QC.

Nauna rito, isang William Caseño ang nagsumbong sa Masambong Police Station 2 (PS 2), hinggil sa ginawang pag-agaw ng dalawang lalaki sa kanyang Mio motorcycle (NF89239) sa Araneta Ave., QC dakong alas-12:40 ng madaling araw.

Kaagad na nagkasa ng operasyon ang Quezon City-Anti-Carnapping Unit at Highway Patrol Group (HPG) laban sa mga suspek at nang mamataan sa area ng Araneta Avenue ay agad silang pinara pero sa halip na huminto ay humarurot pa umano papatakas ang mga suspe. Dito nagkaroon ng ha­bulan at nang makorner ang dalawa sa Biak na Bato kanto ng Don Manuel Agregado St. ay nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad na kanilang ikinabulagta.

Narekober mula sa unang suspek ang isang caliber .38 pistol na loaded ng tatlong fired cartridge cases sa cylinder nito, isang pakete ng shabu, at nakuha mula sa isa pang suspek ang isang Armscor caliber .45 na may chamber load at magazine, isang Mio motorcycle at isang itim na sling bag na pagmamay-ari ng biktima.

Positibo namang tinukoy ng biktima ang mga suspek na siyang nang-agaw ng kanyang sling bag at motorsiklo.

vuukle comment

DANILO MACERIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with