^

Metro

Libreng ‘hatid-sundo’ sa may sakit na residente ng Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May libreng ‘hatid-sundo’ transport service ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa mga residenteng maysakit na nahihirapan sa pagkuha ng masasakyan.

Sa programang ‘Libreng Hatid at Sundo’, may nakahandang transport service ang lokal na pamahalaan para sa mga pasyenteng nagda-dia­lysis, may chemotherapy o  radiotherapy sessions, mga senior citizens, buntis, at person with disabilities (PWDs)  na kailangang sumailalim sa check-up at iba pang nangangailangan ng medical treatment na hindi emergency case sa Taguig o sa iba pang lungsod sa Metro Manila.

Ang inisyatibo na ito ay ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Taguig upang tumugon sa pangangailangang transportasyon para sa mga maysakit na walang masakyan dahil sa pansamantalang pagtigil ng pag-biyahe ng mga pampublikong sasakyan.

Para maka-avail sa serbisyong ito, magtext sa numerong 0961-734-0834 dalawang araw bago ang takdang mga checkup o medical sessions.

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with