^

Metro

LTFRB, sinugod ng mga driver-operator ng OWTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
LTFRB, sinugod ng mga driver-operator ng OWTO

MANILA, Philippines — Sinugod ng mga driver operator  ang central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa East Avenue sa Quezon City para igiit sa ahensiya ang pagsuspinde  sa operasyon ng ride-hailing app na OWTO .

Ayon sa mga protesters, matagal na silang siningil ng kompanya ng P17,000 para magkaroon ng prangkisa o provisional authority (PA) bilang permit na legal na  makapasada pero hanggang ngayon ay hindi ito inaasikado ng kompanya.

Anila, hinahayaan sila ng OWTO na pumasada kahit walang PA o mangolorum sa pamamasada.

Binigyang diin ng mga protesters na nais nilang mapangalagaan ang hanapbuhay para sa kani-kanilang pamilya  kaya’t ninais na lumapit na sa LTFRB para maaksiyunan ang kanilang request.

Anila, malaki sana ang maiaambag ng kanilang hanay sa pagkakaloob ng maayos na serbisyo sa dumaraming commuters kung maaayos agad ang kanilang mga papeles para legal na makapasada.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with