^

Metro

Policewomen itatalaga sa key positions ng PNP-Sinas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Policewomen itatalaga sa key positions ng PNP-Sinas
Ayon kay PNP chief General Debold Sinas, panahon na rin ito na ipakita ang tiwala sa kakayahan ng mga policewomen tulad sa kakayahan ng mga policemen. Magbibigay ng tiwala naman ito sa mga babaeng pulis na palawakin pa ang kanilang kakayahan at hindi umaasa sa iba.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Mas marami pang babaeng pulis ang maitatalaga sa mga key positions ng PNP tulad ng regional at district directors.

Ito ayon kay PNP chief General Debold Sinas kasabay nang pagsasabing hindi siya magdadalawang isip na italaga ang mga babaeng pulis kung karapat-dapat at kuwalipikado ang mga ito.

Idinagdag pa nito na dapat ay nabibigyan ng  pantay na pagkakataon sa paghawak ng  posisyon at responsibilidad  ang mga policewomen.

Sa ngayon, ang mga lalaking pulis ang na­bibigyan ng pagkakataon sa promotion at key position.

Ani  Sinas, panahon  na rin ito na ipakita ang  tiwala sa kakayahan ng mga policewomen  tulad sa kakayahan ng mga policemen. Magbibigay ng tiwala naman ito sa mga babaeng pulis na  palawakin pa ang kanilang kakayahan at hindi umaasa sa  iba.

Matatandaang Oktubre nang  italaga ni  Sinas si Col. Angela Rejano bilang bagong chief of police ng Malabon City Police. Si Rejano ang ay dating hepe ng  NCRPO Regional Plans and Strategy Management Division.

Si Rejano rin ang kauna-unahang babaeng chief of police ng Sorsogon City at provincial director sa Siquijor. 

vuukle comment

DEBOLD SINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with