^

Metro

SSS members at pensioners, binalaan vs online fixers

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ang Social Security System (SSS) sa mga miyembro at pensioners na hindi  affiliated  ang ahensiya sa alinmang social media accounts at mga pahina na nag -aalok ng online assistance at pagkatapos ay humihingi  ng bayad  kapalit ng  pagtulong sa pagkakaroon ng  SSS account,  filing ng benepisyo at proseso sa mabilis na pagpapalabas ng  loan applications,  retirement benefits at iba pang benepisyo mula sa SSS.

Ayon sa ahensiya kailangang maging maingat ang mga miyembro at pangalagaan ang kanilang  SSS accounts mula sa mga hindi kilalang indibiduwal at tiyakin na ang lahat ng  online applications at transaksiyon ay gagawin lamang sa kanilang  My.SSS online accounts  na maaa­ring ma access sa SSS official website  sa  sss.gov.ph at SSS Mobile App.

Binalaan din ng SSS  ang mga  online fixers na  kakasuhan ng kriminal at civil case dahil sa pagkuha  ng mga confidential information at nanghihingi ng pera mula sa mga miyembro at pensioners ng SSS.

Ayon sa SSS , ang  maling gawain   ay paglabag sa Section 17 ng Republic Act 11199 o ang  SS Act of 2018 na naglalapat ng multa na hanggang  P5,000 o  pagkakulong ng anim na buwan hanggang isang taon.

Ang mga pinaghihinalaang fixers at modus ng sindikato sa online ay maaring isumbong  sa  SSS Special Investigation Department sa  [email protected] o magpadala ng  direct message sa alinmang  social media accounts sa SSS Facebook page na  “Philippine Social Security System,” Instagram account sa “mysssph,” at Twitter account sa “PHLSSS”. Maaari silang makatanggap ng update sa SSS Viber Community “MYSSSPH Updates.

vuukle comment

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with