^

Metro

Bebot pumalag sa ‘akyat bahay’, todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bebot pumalag sa �akyat bahay�, todas
Kinilala ang nasawi na si Cristina Hipolito nagtamo ng malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang 26-anyos na babae ang nasawi makaraang pagsasaksakin ng hinihinalang miyembro ng ‘Akyat Bahay’ gang nang pumalag ang huli sa panloloob sa kaniyang inuupahang apartment sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Cristina Hipolito nagtamo ng malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Arestado naman ng  mga Brgy. Tanod ang suspect na si Jerome Tayubong, 27, residente ng Brgy. 90  ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, puwersahang pinasok ng suspect ang  apartment ng biktima sa  11th Avenue, Brgy. 68, Caloocan City dakong alas-6:30 ng gabi.

Nag-iisa ang biktima sa loob ng kaniyang kuwarto  nang tutukan ng patalim ng suspect.

Agad na hinalughog ni Tayubong ang mga ka­gamitan ni Hipolito kung saan puwersahang kinuha ang tatlong cellphones, sari-saring identification cards at nang tatakas na ito ay nanlaban ang biktima kaya’t pinagsasaksak  ito ng nairitang suspect.

Samantalang napansin naman  ng caretaker ng apartment ang komosyon kaya’t agad na humingi ng tulong sa mga brgy. tanod na mabilis namang nagresponde at hinabol ang papatakas na suspect.

Nakorner naman ang suspect na nagresulta sa pagkakaaresto nito at nabawi ang mga ninakaw na gamit sa biktima.

vuukle comment

AKYAT BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with