^

Metro

Makati LGU may ayuda rin sa maliliit na negosyo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Makati LGU may ayuda rin sa maliliit na negosyo
Kahapon ay si­nimulan na ni Makati Mayor Abby Binay ang pamamahagi ng hanggang P100,000 tulong pinansyal para sa mga rehistradong negosyo sa lungsod sa ilalim ng P2.5-bilyon economic relief program nito.
Ernie Penaredondo/File

MANILA, Philippines — Bahagi na rin ang mga maliliit na negos­yo  sa sektor na aayudahan ng Makati Ciy Government  na may nakalaang P2.5 bilyon pondo.

Kahapon ay si­nimulan na ni Makati Mayor Abby Binay ang pamamahagi ng hanggang P100,000 tulong pinansyal para sa mga rehistradong negosyo sa lungsod sa ilalim ng P2.5-bilyon economic relief program nito.

Kasama ito sa mga bagong inisyatibang ibinahagi ng alkalde sa Facebook Live, na aniya’y layong pasiglahin ang lokal na ekonomiya sa panahon ng pandemya, kasabay ng pagsusulong ng ligtas na kapaligiran para sa Makatizen consumers.

Kabilang din dito ang pagbibigay ng pinakamababang tax rates para sa online sellers, travel window sa curfew hours na nagbibigay ng karag­dagang oras sa mga kostumer ng restaurant at ibang kainan, at pooled testing para sa mga empleyado ng mga pribadong kompanya.

Ayon kay Mayor Abby, kinakailangang tulungan ang mga may-ari ng negosyo upang makabangon mula sa krisis. Aniya, kapag tuluy-tuloy ang operasyon ng mga negosyo, tiyak na mananatiling may trabaho ang kanilang mga empleyado na kinabibilangan ng mga residente.

Sa ilalim ng Makati Assistance and Support to Businesses (MASB) Program, magbibigay ang lungsod ng grants na mula P10,000 hanggang P100,000  sa mga rehistradong negosyo sa lungsod, depende sa uri ng negosyo at bilang ng Makatizens na empleyado nito.

Nakalaan ang pondo para bayaran ang sahod ng mga ­em­pleyado, residente man o hindi, at pambayad para sa mga supplies. Hindi ibibigay sa employer ang pera, kundi direktang ire-release sa kanilang mga empleyado at Makati-based suppliers.

Ang grant ay hindi ipapasauli sa mga benepisyaryong negosyo kapag tumupad sila sa mga sumusunod na kundisyon sa loob ng dalawang taon: 1) Magpapatuloy sila ng operas­yon; 2) Hindi sila magtatanggal ng Makatizen employees; at 3) Mahigpit silang susunod sa mga ordinansa at safety guidelines ng lungsod.

vuukle comment

ABBY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with