^

Metro

Operasyon ng LRT-2, naantala dahil sa power failure

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Operasyon ng LRT-2, naantala dahil sa power failure
Dakong alas-11:41 ng umaga nang magpaabiso ang Light Rail Transit Authority (LRTA), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-2, hinggil sa suspensiyon ng operasyon ng kanilang linya dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente.
LRT-2/Twitter

MANILA, Philippines — Pansamantalang naantala ang biyahe ng mga tren ng Light Rail Transit Line 2 nitong Linggo ng umaga bunsod umano ng naranasang power failure.

Dakong alas-11:41 ng umaga nang magpaabiso ang Light Rail Transit Authority (LRTA), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-2, hinggil sa suspensiyon ng operasyon ng kanilang linya dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente.

Inabot din ng may kalahating oras bago muling naibalik na sa normal ang kanilang biyahe dakong alas-12:16 ng tanghali.

Ang LRT-2 ang nag-uugnay sa Claro M. Recto Avenue, sa Maynila at Santolan, Pasig City.

Gayunman, sa nga-yon ay bumibiyahe lamang ito mula sa Claro M. Recto Avenue, sa Maynila hanggang sa Cubao, Quezon City matapos ang naganap na sunog sa power supply transformer nito, na matatagpuan sa Anonas at Katipunan Stations, noong nakaraang taon.

Ayon sa LRTA, mayroon na silang notice to proceed upang masimulan ang pagsasaayos ng power supply ng tatlong huling istasyon nito.

May tatlong buwan pa umano sila o hanggang Nobyembre 2020 para matapos ang mga pagkukumpuni upang tuluyang maibalik ang operasyon ng tatlong naturang istasyon ng tren.

vuukle comment

LRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with