^

Metro

Tricycle sa Quezon City, maaari nang pumasada

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaari nang pumasada ang mga tricycle sa Quezon City habang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Gayunman, sinabi ni Quezon City Mayor Joy ­Belmonte na 60 percent lamang ng dami ng bilang ng bawat TODA ang pinapayagan para maingatan ang mamamayan mula sa banta ng paglaganap ng Covid 19.

“60 percent per toda lamang ang ating pinapayagan habang tayo ay nasa MECQ at sinabihan natin ang TODA officers na bahala na sila kung sinu-sino ang maaaring bumiyahe kada araw batay sa kanilang ruta”, pahayag ni Mayor Belmonte.

Niliwanag ni Belmonte na sa ilalim ng localized guidelines na pinaiiral ng lokal na pamahalaan para sa operas­yon ng tricycle ay mayroon silang dapat sundin.

“Isa lamang ang dapat nilang pasahero, dapat may plastic na nakalagay sa pagitan ng driver at pasahero at dadaan muna ang mga driver sa ating mga health centers to check at ma- assess sila, kung kailangan nilang ma-test para maingatan din ang kalusugan nila”, pahayag pa ni Mayor Belmonte.

Anya P18 pesos ang pasahe sa tricycle at dagdag na P1 sa suceeding kilometer.

Niliwanag ni Belmonte na ang mga lalabag sa itinakdang tamang pasahe ng Tricycle Regulatory Unit (TRU) ng QC ay lalapatan ng parusa.

Mayroon 40,000 tricycle drivers sa lungsod.

 

vuukle comment

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with