^

Metro

Bank manager, 2 pa timbog sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bank manager, 2 pa timbog sa droga
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Brig. Gen. Ronnie Montejo ang naarestong mga suspek na sina Robby Cas, 34, bank manager, ng San Andres, Manila; Rodolf John Lazaro, 28, at Mark Anthony Estillore, 36.
STAR/ File

MANILA, Philippines —Tatlong katao, na kinabibilangan ng isang bank manager ang inaresto ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Brig. Gen. Ronnie Montejo ang naarestong mga suspek na sina Robby Cas, 34, bank manager, ng San Andres, Manila; Rodolf John Lazaro, 28, at Mark Anthony Estillore, 36.

Ayon kay Montejo, ang mga suspek ay inaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Project 4 Police Station (PS 8) dakong alas-10:30 ng gabi sa 18th Ave. near corner P. Tuazon Blvd. Brgy. San Roque, Murphy.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga pulis mula sa isang confidential informant hinggil sa pagbebenta ng ilegal na droga ng mga suspek.

Kaagad namang nagsagawa ng operasyon ang mga pulis na nagresulta sa pagkaka-aresto ng mga ito.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P24,500, dalawang cellular phones at buy-bust money.

Ang mga suspek ay nakapiit at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

QCPD

RODOLF JOHN LAZARO

SDEU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with