^

Metro

P6.8 milyong shabu, nasabat sa Makati

Doris Franche, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P6.8 milyong shabu, nasabat sa Makati
Kinilala ang mga naaresto na sina Agatha Caray, alyas Ate, 45; Mary Grace Caray, 41; Abegail Calvez, 37 at Jovy Linares, 37, pawang nakatira sa H. Santos Street, Brgy. Tejeros, Makati City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Aabot  sa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng anti-drug unit ng Manila Police District (MPD) sa Makati sa ikinasang buy-bust operation, kamakalawa ng hapon na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na drug suspek.

Kinilala ang mga naaresto na sina Agatha Caray, alyas Ate, 45; Mary Grace Caray, 41; Abegail Calvez, 37 at Jovy Linares, 37, pawang nakatira sa H. Santos Street, Brgy. Tejeros, Makati City.

Sa ulat ng MPD, ikinasa ang operasyon dakong alas-2 ng Miyerkules ng hapon sa bahay ng mga suspek sa Makati City.  Nabatid na unang nakipag­transaksyon ang asset ng Drug Enforcement Team ng Ermita Police Station 5 sa suspek na si alyas Ate ngunit itinakda ang bentahan ng droga sa kanilang lugar sa Makati City.

Matapos na magkabayaran, hindi na nakapalag ang mga suspek nang pasukin ng mga pulis ang kanilang bahay na ginagawa nilang sentro ng kanilang operasyon.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang bahagyang bukas na pakete na nakabalot ng brown packaging tape na naglalaman ng higit kumulang na isang kilo ng hinihinalang shabu at may halagang P6.8 milyon.

vuukle comment

AGATHA CARAY

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with