^

Metro

Krimen sa Metro Manila, patuloy sa pagbaba sa ECQ

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Krimen sa Metro Manila, patuloy sa pagbaba sa ECQ
Sa crime statistics report ng NCRPO, simula Marso 15-Abril 30, 2020, ang ‘8-focused crimes’ na nagpapakita ng makabuluhang pagbaba ng bilang ng krimen kumpara ng taong 2019 ay ang nasa 67.8%.
Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Patuloy sa pagbaba ang krimen sa Metro Manila dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) na naglilimita sa paggala ng publiko sa labas ng bahay, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa crime statistics report ng NCRPO, simula Marso 15-Abril 30, 2020, ang ‘8-focused crimes’ na nagpapakita ng makabuluhang pagbaba ng bilang ng krimen kumpara ng taong 2019 ay ang nasa 67.8%.

Ang murder ay bumaba ng 30.3% o dating bilang na 76 ay 53 incidents na lang ; ang homicide ay nasa 53.3% na dating 30 ay nasa 14 incidents na lamang ang naitala; Physical injury na bumaba sa 74.7% mula sa 293 na naging 74 incidents; ang rape ay bumaba sa 71.4% mula sa 147 na ngayon ay 42 na insidente ang naitala.

Ang robbery naman ay bumaba ng 57.7% mula sa 274 na  116; carnapping na bumagsak sa 90.9% mula sa 22 ay 2 incidents na lang at motorcycle theft na buma­ba din ng  80.2% mula sa 91 na 18 na lang ang naitala.

Ang non-index crimes naman ay tumaas lang ng 18.1% mula sa naitalang 4,731 incidents noong nakalipas na taon sa kaparehong panahon ay nasa 5,586 incidents.

Pinasalamatan ni NCRPO chief P/Major General Debold Sinas ang mga tauhan sa pagsusumikap at kontribusyon sa pagbaba ng crime rate sa Metro Manila na dapat umanong magpatuloy kahit matapos na ang pinaiiral na ECQ.

“The decrease of these 8 focused crimes is attributed to the NCRPO’s intensified implementation Enhanced Managing Police Operations and invigorated police presence manning Quarantine Control Points. Likewise, we expect an increase in the non index crimes for our men tirelessly enforce the ECQ guidelines and city ordinances and policies,” ani Sinas.

vuukle comment

KRIMEN

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with