24 indibiduwal nagkalat ng COVID-19 fake news, kinasuhan
MANILA, Philippines — Sinampahan na ng Philippine National Police (PNP) ng kaso ang 24 indibidwal na nagpapakalat umano ng pekeng ulat at impormasyon tungkol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay PNP chief, Gen. Archie Gamboa, 20 insidente na ng fake news ang kanilang naisisiwalat sa kasagsagan ng Luzon quarantine.
Ang mga ito ay lumabag Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances under Article 154 of the Revised Penal Code as Amended in relation to Sec 4c4 (Online Libel) and Section 6 of Republic Act No. 10175, or the Anti-Cybercrime Law.
Kaugnay na rito ang napabalitang kinumxpiska ang ilang personal protective equipment (PPE) sa The Medical City na agad namang pinabulaanan ng pamunuan.
Mahaharap ang mga lalabag sa pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan o pagmumulta ng mula P40,000 hanggang P200,000 at maaari pang maparusahan sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
- Latest