^

Metro

Pasahero ng MRT-3, kumonti

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pasahero ng MRT-3, kumonti
Sinabi ni Engr. Mike Capati, Director for Operations ng MRT-3, bumagsak sa 240,000 ang daily average ng mga pasahero mula sa mahigit 350,000 noong mga nakaraang buwan.
Philstar.com/File

Dahil sa banta ng Covid-19

MANILA, Philippines — Maging ang mga pasaherong sumasakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ay kumonti dahil na rin sa takot na mahawa ng sakit  na COVID-19.

Sinabi ni Engr. Mike Capati, Director for Operations ng MRT-3, bumagsak sa 240,000 ang daily average ng mga pasahero mula sa mahigit 350,000 noong mga nakaraang buwan.

Aniya, ang takot ng publiko sa COVID-19 ay pangunahing dahilan ng malaking bawas ng mga pasahero ng MRT-3.

Maging ang kanselasyon ng mga klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas ay dahilan din sa pagkonti ng mga pasahero.

At bilang tugon sa mga ipinatutupad na precautio­nary measures, nagagamit na ang mga thermal scanners sa ilang istasyon ng tren habang kasalukuyang idinideliver ang iba pa.

Nabatid na drum-drum na ring mga alcohol at hand sanitizers ang inorder ng MRT- 3 upang mayroong pangmatagalang maibibigay sa mga pasahero.

Nagsasagawa rin ng disinfection sa mga bagon ng  tren kapag ito ay dumating sa mga dulo o hu­ling istasyon ng tren bago muling pasakayin ang mga pasahero.

Namahagi rin ng mga face mask at surgical gloves ang pamunuan ng MRT sa kanilang mga empleyado at guwardya. 

Una rito ay iniulat din ng pamunuan ng LRT-1 at LRT-2 ang pagkonti ng kanilang mga pasahero dahil sa takot sa COVID-19.

vuukle comment

MIKE CAPAT

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with