^

Metro

Retired na guro pisak sa mixer truck

Danilo Garcia - Philstar.com
Retired na guro pisak sa mixer truck
Nakilala ang nasawi na si Myriam Tagudan Diaz, 67, nakatira sa 6th Avenue, Brgy. East Rembo, ng naturang lungsod. Isinugod naman sa pagamutan ang isa pang biktima na inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lola na retiradong guro habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon nang araruhin sila ng isang rumaragasang mixer truck habang tumatawid sa isang kalsada sa Makati City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Myriam Tagudan Diaz, 67, nakatira sa 6th Avenue, Brgy. East Rembo, ng naturang lungsod. Isinugod naman sa  pagamutan  ang isa pang biktima na inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan.

Agad na sumuko sa mga awtoridad ang tsuper ng cement mixer truck na si Hancyl Gilo, 65, ng Brgy.  Ibayo Tipas, Taguig City.

Sa ulat ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa kanto ng Kalayaan Avenue at JP Rizal Extension sa Brgy. East Rembo. Nabatid na kap­wa tumatawid sa kalsada ang mga biktima nang bundulin sila ng rumaragasang trak na minamaneho ni Gilo. 

Ayon kay Gilo na huli na nang makita niya ang dalawang babae at makapagpreno. Napailalim sa trak si Diaz habang tumilapon ng ilang metro ang isa pang biktima.

Nahaharap ngayon sa kasong Homicide at Frustrated Homicide sa Makati City Pro­secutor’s Office ang suspek na nakakulong na sa Makati City Police Station Jail.

vuukle comment

MIXER TRUCK

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with