^

PM Sports

Isa pang panalo kay Orcollo

Chris Co - Pang-masa
Isa pang panalo kay Orcollo
Dennis Orcollo

MANILA, Philippines — Nakumpleto nina dating world champion Dennis Orcollo, Warren Kiamco at Francisco Bustamante ang 1-2-3 posisyon para dominahin ang 2020 Annual Texan 10-Ball Open na ginanap sa Round Rock sa Texas, USA.

Pinagharian ni Orcollo ang torneo matapos ilampaso si Kiamco sa pamamagitan ng 7-0 sweep sa all-Filipino championship round.

Umabante ang Surigao del Sur pride na si Orcollo sa finals matapos walisin ang lahat ng asignatura nito sa eliminasyon.

Sa kabilang banda, tinalo naman ni Kiamco si Bustamante sa do-or-die semis match makaraang itarak ang 7-1 panalo.

Kabilang sa mga pinataob ni Orcollo ay sina Kenny Loftis, John Gabriel, Justin Hall, Kevin Guimond, Junior Jueco at Naoyuki Oi.

Napasakamay ni Orcollo ang tumataginting na $4,000 premyo habang nagkasya sa $2,400 runner-up purse si Kiamco.

Hindi naman uuwing luhaan si Bustamante na nagkamit ng $1,300 na konsolasyon sa kanyang third-place finish.

Mainit si Orcollo sa taong ito matapos masungkit ang kanyang ikaapat na sunod na kampeonato.

Una nang nagkampeon si Orcollo sa 2020 Midnight Madness sa Madison, Tennessee noong Enero para mag-uwi ng $4,000 premyo.

Muli itong umariba sa 2020 Derby City Classic kung saan napasakamay nito ang Master of the Table crown para angkinin ang $20,000.

Nagkampeon din si Orcollo sa 2020 Derby City Classic 9-Ball Banks Division para sa $16,000 champion’s prize.

Dahil sa kanyang mga panalo, No. 1 na si Orcollo sa Az Billiards Money Leaderboard tangan ang kabuuang $52,150 cash prize.

vuukle comment

2020 ANNUAL TEXAN 10-BALL OPEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with