20 opisyal ng NCMH, 3 iba pa kinasuhan sa P30.4 milyon CT scan equipment
MANILA, Philippines — Dalawampung opisyal ng National Center for Mental Health (NCMH) at 3 indibiduwal na kasabwat sa pagbili ng mahigit P30, 407, 706.25 milyong CT Scan equipment na hindi naman napapakinabangan ang ipinagharap ng patung-patong na kaso ng National Bureau of Investigation-Anti-Graft Division (NBI-AGD) sa Office of the Ombudsman.
Sa pulong-balitaan kahapon sa NBI headquarters, sinabi nina NBI spokesman Ferdinand Lavin at Deputy Director for Investigation Vicente De Guzman II, na naihain na sa Ombudsman kamakalawa ang mga kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), RA 9184 (Government Procurement Act), at Gross Negligence and Serious Dishonesty, laban kina Dr. Dr. Bernardino Vicente (retired) NCMH Medical center Chief II; mga opisyal at kawani na sina Dr. Beverly Azucena, Clarita Avila, Dionisio Tolentino, Dulce Valerio, Godofredo Valles, Dr. Jerkin Go, Engr. Esteban Gamurot, Dr. Alden Cuyis, Dr. Jumelyn Perez, Dr. Cynthia Agustin, Belma Cruz, Publio Plotena, Dr. Christopher Christian Chu, Jerry Rodriguez, Arturo Salcedo, Dr. Evelyn Belen , Engr. Darwin Pastor, Solidad Yambao, Ma. Charina Aberin, at mga pribadong indibidwal na sina Ronald Tan, general manager ng RJJL Construction and Trading; Ronald Allan Gacoscos.
Humarap sa media ang kinatawan ng Employees Union Association ng NCMH na tumatayong complainant sa kaso na nagbunyag na may iregularidad sa biniling CT Scan equipment na ‘non-functional at inoperability’.
Sa halip aniya, na may sariling equipment ang ospital sa CT Scan ay naoobliga pa ang mga medical staff na dalhin sa ibang ospital para sa proseso dahil hindi naman gumagana ang kanilang equipment..
Matatandaang noong Hulyo 15, 2019 ay nasampahan na rin ng kasong criminal sa Ombudsman ang retiradong mga opisyal ng NCMH at Octant Builders dahil sa iregularidad sa pagtatayo ng NCMH Pavillion 6 na nagkakahalaga ng P60,415,183.22, kung saan si Avila ay incorporator ng Octant Builders.
- Latest