^

Metro

75-araw na ultimatum sa baragy Executives para linisin muli ang mga lansangan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
75-araw na ultimatum sa baragy Executives para linisin muli ang mga lansangan
Magugunita na noong July 2019 sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte ay inihayag nito na kailangang bawiin ang mga kalsada na gina­gamit ng mga vendor at paradahan ng sasak­yan upang mapaluwag ang daloy ng trapiko.
Philstar.com/Erwin Cagadas Jr.

MANILA, Philippines — Pitomput-limang araw ang ibinigay na ultimatum ng pamunuan ng Department of Interior and Local Goverment (DILG) sa  barangay executives para alisin ang lahat ng sagabal sa lansangan sa kani-kanilang nasasakupan.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, ang sinumang mabibigo na sumunod sa memorandum circular 2020-027 ay papatawan ng Administrative charges.

“I direct LGUs, especially the barangays, to clear local roads and sustain the gains of the road-clearing operations with the same urgency and enthusiasm. “Binibigyan natin sila ng 75 calendar days simula ngayong araw na ito.” sabi ni Año

Kabilang sa pinapaalis sa lahat ng obstruction ay ang tertiary roads, secon­dary at primary road.

Anang kalihim, iisyuhan nila ng show cause order ang sinumang local chief executives na mabibigong sumunod sa kanyang memo.

Magugunita na noong July 2019 sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte ay inihayag nito na kailangang bawiin ang mga kalsada na gina­gamit ng mga vendor at paradahan ng sasak­yan upang mapaluwag ang daloy ng trapiko.

Unang nagbigay ng 60-araw ang DILG sa mga alkalde na tumupad naman at ngayon ay 75-araw ang ibinigay na taning  sa mga barangay official.

Sa unang bahagi ng kampanya ay kabuuuang 97 LGUs ang inis­yuhan ng show cause order ng DILG at 10 ang kinasuhan ng administrarive case na ngayon ay dinidinig pa ang kanilang mga kaso.

Ipinagbabawal na rin ng DILG ang mga tricycle at pedicab na dumaan sa national highway. 

“Bilang bahagi ng ­ating road-clearing effort at pagpapaluwag ng kalsada, pinapaalala natin sa ­ating mga kababayan na bawal ang mga tricycle at pedicab sa national highway. Huwag na po tayong makulit at marami na rin pong mga aksidente na nangyari bunga ng kapabayaan dito,” sabi pa ni Año.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with