^

Metro

JoyRide registration, dinagsa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
JoyRide registration, dinagsa
Dinagsa ng libu-libong motorcycle riders ang idinaos na JoyRide’s Biker Registration event sa Liwasang Bonifacio, sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga, upang maging compliant sa itinakdang 10,000 cap ng motorcycle taxi ng Department of Transportation- Technical Working Group (DOTr- TWG).
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Libu-libong motorcycle riders ang dumagsa kahapon ng umaga sa idinaos na JoyRide’s Biker Registration event, isang transport sector, para maging compliant sa itinakdang 10,000 cap ng motorcycle taxi ng  Department of Transportation-Technical Working Group (DOTr-TWG), sa Liwasang Bonifacio, sa Ermita, Maynila.

Tinatayang nasa 3,000 ang nagparehistro kabilang ang nasa 350 Kasundo Bikers na nagtungo sa nasabing event na inorganisa ng Quezon City Gladiators simula alas-7:00 ng umaga at nagtagal hanggang alas-11:00 ng umaga.

Bukod sa JoyRide, inimbitahan din ang Move It sa nasabing biker’s registration subalit tumanggi ang huli, sa pagnanais na maituloy ang legalization ng motorcycle taxi hailing app sa bansa.

“We want them to give them [the riders] a chance. We chose Manila because it is the center, capital. Malaki ang lugar, para ‘yung mga gusto maging rider madali lang sa kanila kasi nasa sentro. Plano rin namin mag-organize ng ganito sa other cities of Metro Manila,” ayon kay Moises Gomez, senior representative ng QC Gladia­tors.

Binigyang-diin ni Gomez na dapat ang iba pang stakeholders ay makapag-comply din sa extended pilot run para makapagtuluy-tuloy sa operasyon ng motorcycle taxis.

“Kapag naipasa ito sa Kongreso maraming tao ang makikinabang hindi lang iisang tao kasi grabe na talaga ang traffic ngayon sa Metro Manila kaya lang lahat ng sasali rito sa pilot run study ng  technical working group dapat maging compliant sila, strict sila sa guidelines at saka sa direktiba ng LTFRB,” paliwanag pa ni Gomez.

Sa kasalukuyan, ang JoyRide ay may 1,800 riders nang tumatakbo. May 6,907 nang nakarehistro nitong Disyembre 2019 at inaasahang mapupunan na nito ang 10,000 cap sa pagdagsa kahapon ng nagparehistro.

vuukle comment

DOTR

JOYRIDE

TWG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with