^

Metro

Higit sa P1 milyong paputok, winasak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Higit sa P1 milyong paputok, winasak
Pinangunahan ni NCRPO director B/Gen. Debold Sinas ang pagwasak sa mga nakumpiskang ilegal na paputok na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa isang milyon piso sa mga isinagawang operasyon sa Kalakhang Maynila bago ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Lagpas sa P1 milyong halaga ng mga paputok at mga pailaw na nakumpiska ng pulisya sa Kamaynilaan nitong nakaraang pagsalubong sa Bagong Taon ang winasak ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Pinangunahan ni NCRPO director BGen Debold Sinas ang pagsira sa mga iligal na paputok na aabot sa kabuuang halaga na P1,040,874.

Ang pagsira sa mga nakumpiskang paputok ay bilang pagtupad ng pulisya sa Presidential Memorandum Order no. 31 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-aatas sa Philippine National Police at iba pang ahensya na ipatupad ang regulasyon sa pagbebenta, distribusyon at paggamit ng mga tinukoy na iligal na paputok at pailaw.

Kabilang sa mga nakumpiskang paputok ang Picolo, Super Lolo, Lolo Thunder/Atomic/Big Triangle, Pla-pla, Boga at iba pa na tinukoy sa RA 7138 na nagsasaad naman ng mga regulasyon sa mga ‘pyrotechnic devises’ sa bansa.  Ang iba naman tulad ng mga Luces at Kwitis ay nakumpiska dahil sa kawalan ng permit ng mga negosyante para itinda ang mga ito.

Una nang sinabi ng pulisya na ang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas laban sa mga iligal na paputok ang isa sa dahilan ng mapayapang selebrasyon ng pagsalubong sa Bagong Taon at Pasko.

 

vuukle comment

FIRECRACKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with