^

Metro

Kontak ng IS terrorist sa Metro Manila, timbog

Joy Cantos, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kontak ng IS terrorist sa Metro Manila, timbog
Ang nadakip na kontak ng IS terrorist sa Metro Manila.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Naaresto ng pinagsanib na mga operatiba ng pulisya  ang isang dating miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nagsisilbing pointman o kontak sa Metro Manila ng mga lokal na Islamic State terrorist sa Mindanao sa isinagawang operasyon sa Quezon City nitong Bagong Taon.

Sa  press briefing sa Camp Crame, kinilala ni PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang nasakoteng suspect na si Datu Omar Palty,  alyas Allan Palte, vendor.

 Bandang ala-1 ng madaling araw kamakalawa ng  maaresto ng pinagsanib na mga operatiba ng PNP-Counter Terrorism Division, PNP  Intellgence Group at Quezon City Police  ang suspect sa kahabaan ng Adrian Street sa panulukan ng Banning Street, Brgy. North Fairview, Quezon City.

Sinabi ni Gamboa na si Palty ay miyembro ng BIFF faction sa llalim ng pamumuno ni Commander Esmael Abubakar, alyas Bungos pero lumipat ng alyansa at sinapiang terrorist group na Dawlah Islamiyah noong  2018 sa pamumuno naman ni  Esmael Adbulmalik, alyas Abu Turaife.

Ang ‘Turaife group’ ay isa sa dalawang faction ng BIFF na nag-pledge ng alyansa sa Islamic State terrorist na nasa likod ng paghahasik ng terorismo sa nangyaring Marawi City siege noong 2017. Si Isnilon Hapilon ang itinalagang Emir o lider ng ISIS sa Southeast Asia ang namuno sa pag-atake pero napatay rin sa assault operation ng tropa ng militar.

Sinabi ni Gamboa na si Palty ay itinalaga ni Turaife bilang pointman o kontak ng grupo nito sa Metro Manila  na siyang nakikipagkoordinasyon sa Daulah Islamiyah terrorist sa Sulu at Basilan.

Samantalang maliban sa pagiging miyembro ng IS, ayon kay Gamboa si Palty ay sangkot din sa pag-atake sa isang Army camp sa Midsayap, North Cotabato noong 2009 na ikinasawi ng dalawang sundalo at pag-atake sa isang military detachment sa Aleosan Cotabato noong 2014.

Nakumpiska mula sa suspect ang isang fragmentation grenade  at isang cal. 45 caliber pistol.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with