^

Metro

Tauhan ng OTS, sibak sa pagnanakaw sa pasaherong Chinese

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Tauhan ng OTS, sibak sa pagnanakaw sa pasaherong Chinese
Kinilala ni OTS Director Gerardo Gambala, ang sinibak na security screener na si Jun Rey Tumabing , nakatalaga sa departure area ng NAIA terminal 1.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Isang kawani ng Office of Transportation Security (OTS) ang tinanggal sa serbisyo matapos na mahuli sa CCTV monitor na ninakawan nito ng pera ang isang Chinese passenger, ilang sandali bago ito umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Kinilala ni OTS Director Gerardo Gambala, ang sinibak na security screener na si Jun Rey Tumabing , nakatalaga sa departure area ng NAIA  terminal 1. Siya ay positibong itinuro ng pasaherong Chinese base na rin sa video footage ng CCTV.

Ayon kay Gambala , nagsagawa sila ng masusing imbestigasyon kaugnay sa nangyaring insidente at nakita nila mula sa TV monitor ang pagkuha umano ni Tumabing sa US$100.00 at 300 Yuan sa pasahero.

Dahil dito ay agad na umaksiyon ang pamunuan ng OTS nang tanggalin sa duty si Tumabing at kinumpiska na rin ang airport access pass nito. Maging ang job order ng security screener ay kinansela ng ahensiya.

Sa kabila nito, muling nagbabala si Manila International Airport Authority (MIAA) Gene­ral Manager Ed Monreal, sa lahat ng security personnel na huwag umabuso sa kanilang tungkulin upang hindi matulad sa kanilang kasamahan na nauna na ring sinibak sa serbisyo dahil sa masamang gawain.

vuukle comment

CHINESE PASSENGER

OFFICE OF TRANSPORTATION SECURITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with