^

Metro

3 HVT, drug peddler tiklo sa P204,000 droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 HVT, drug peddler tiklo sa P204,000 droga
Kinilala ni Police Brig. Gen. Ronnie Montejo ang mga nasakoteng suspek na sina Karen Juares at Rodel Inting, pawang nasa hustong gulang at residente ng Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong itinuturing na mga High Value Target (HVT) at mga kilabot na drug peddlers ang nasakote ng mga opera­tiba ng Quezon City Police District matapos na makum­piskahan ng P204,000.00 halaga ng shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Police Brig. Gen. Ronnie Montejo ang mga nasakoteng suspek  na sina Karen Juares at Rodel Inting, pawang nasa hustong gulang at residente ng Quezon City.

Bandang alas-5:10 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang anti-drug operative ng QCPD sa No. 26 B, Sto. Cristo Street, Brgy. Balingasa, Balintawak sa lungsod na ito.

Nakumpiska mula sa mga suspect ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P 170,000.00.

Sa isa pang operasyon, dakong alas-5:15 naman ng  umaga nang sumunod na magsagawa ng buy-bust operation ang anti-drug ope­rative sa No. 1, Sitio San Isidro, Brgy. Bagong Pagasa.

Arestado sa operasyon ang drug peddler na si Ge­rald Pascual alyas Buboy na nakumpiskahan ng 5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.00 .

Samantala, apat pang mga tulak ang nasakote naman ng Station Drug Enforcement Unit (SDE) ng Talipapa Police Station(PS) 3 sa ilalim ng pamumuno ni Police Lt. Col. Benjamin Gabriel at Novaliches Police Station  (PS) 3 sa pamumuno naman ni Police Lt. Rossel Cejas.

Arestado sa operasyon ang mga suspek na sina Rustan Eugenio, Hilda Lee, kapwa ng Brgy. Pasong Tamo at Mary Kris Paligsa  ng Brgy. Culiat bandang alas-6 ng gabi kamakalawa sa Daniel St. Certerville Subdivision, Brgy. Pasong Tamo ng lunsod. Nakumpiska ang 7 plastic sachet na naglalaman ng P47,6000.00 halaga ng shabu, cellular phone at buy-bust money.

Nasakote naman ng security guard ng isang mall sa Novaliches ang drug suspect na si Jhon Glenn Ragasa, 39 anyos ng Caloocan City. Ang suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

HIGH VALUE TARGET

KAREN JUARES

RODEL INTING

RONNIE MONTEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with