17 wanted huli sa Quezon City
MANILA, Philippines – Huli ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 17 katao na wanted sa ibat-ibang kaso na pawang may standing warrant or arrest mula sa korte sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) kahapon.
Kinilala ni QCPD Director, P/Col. Ronnie Montejo ang mga naaresto na sina Benedict Rillera, 31; Michael Garcia, 19; Benedicto Manalo, 42; Jay Alojipan, 30; Emerson Valdez, 45; Mark Meneses, 29; Adrian Ed Hauile, 34; Alberto Velasco, 38; John Paul Ebasco, 23; Ronald Novoa, 26; Luisito Maximo, 62; Quiteria Yadao, 78; Gerardo Taru, 40; Amylene June Manuel, 51; Maricel Dacasin, 43; Rustom Mendoza, 26 at Lemuel Bensao, 24.
Ang mga suspek ay may kanya-kanyang kasong kinaharap, tulad ng murder, homicide, frustrated murder, robbery, physical injuries, resistance and disobedience to agent of a person in authority, estafa, qialified theft, paglabag sa BP 22 o boucing check law at pagtutulak ng droga.
Ayon kay Col. Montejo, dakong ala-1:00 ng madaling araw hanggang alas-5:00 ng umaga ay nagsagawa ng sunud-sunod na SACLEO ang kanyang mga tauhan sa QCPD bilang paghahanda sa nalalapit na Asian Games sa bansa.
Dinakip ang mga suspek sa bisa na rin ng mandamyento-de-aresto na ipinalabas ng korte laban sa kanila.
- Latest