^

Metro

Vendors makakabalik sa Divisoria, pero may kondisyon-Isko

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Papayagang makabalik sa Divisoria ang mga vendors subalit may kondisyon si Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon kay Moreno, bibigyan niya ng pagkakataon ang mga vendor na makapagtinda basta titiyakin nilang makadadaan ang mga sasakyan at mamimili. 

Sinabi ni Moreno na kailangang nasa sukat na 1 meter by 1 meter ang mga vendors dahil mapipilitan  silang paalisin ang mga ito kung lalampas sa nasabing sukat.

“Huwag nilang tolongesin ang  pamahalaan,” dagdag pa ni Moreno.

Dagdag pa ni Moreno, alam naman nila ang ginagawa ng mga vendors nang ‘pagpupuslit’ na makapagtinda kung walang nagbabantay.

Giit pa ni Moreno, nais din niyang mabigyan ng kabuha­yan ang mga vendors ngayong Pasko, ngunit kailangan lamang na sumunod ang mga ito sa ipinatutupad na batas. Ang mga vendors ang dapat na sumunod sa kagustuhan ng pamahalaan at hindi ang pamahalaan ang susunod sa mga vendor.

Sa ngayon, pinapayagan ang mga streetvendors sa Carmen Planas at Tabora Streets at sa bahagi ng Ilaya Street malapit sa Moriones.

Samantala, dapat panatilihing ‘vendor-free’ ang main roads tulad ng Juan Luna Street at Recto Avenue.

vuukle comment

VENDORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with