^

Metro

Dalaw kalaboso sa shabu

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang  dalaw matapos mahulihan ng iligal na droga na tangkang ipasok sa loob ng kulungan ng Binondo Police Station sakop ng MPD Station 11.

Kinilala ang suspek na si Janet Tambong, alyas Nineng, 34 , dalaga, scavenger at residente ng  Valderama St, Binondo Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-7 kagabi nang dalawin ni Tambong ang kaanak na nakakulong sa custodial facility ng nasabing istasyon ng pulisya.

Nagsagawa umano ng inspeksyon sa frisking area ng detention cell sa pangunguna ni P/Lt Roderick Tan sa mga pumapasok na bisita o dalaw nang makitaan ng isang plastic sachet sa kanyang coin purse.

Bagama’t itinatanggi ni Tambong ang nakuha sa kanya, dinakip pa rin ito ng mga awtoridad.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with