^

Metro

Mahigpit na seguridad sa NAIA para sa Undas, umarangkada

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Umarangkada  na ang  pagpapatupad ng mahigpit na security measures sa NAIA terminals dahil sa nalalapit na ang Undas.

Handa na sa pangunguna ni MIAA General Manager Ed Monreal at mga tauhan nito sa kanilang area of responsibilities dahil inaasahan nila ngayon ang  dami nang mga pasaherong dadagsa sa NAIA na umuuwi sa probinsya o papunta abroad ngayon Undas para magbakasyon.

Sinabi ni Monreal, na handang-handa na ang mga tauhan niya sa airport, mga tanggapan ng gobyerno at mga airlines personnel sa tinaguriang ‘Oplan Biyaheng Ayos’. May mga’ oplan desk’ na silang itinayo sa mga departure areas na kinabibilangan ng mga tauhan niya sa MIAA Operations, Public Affairs, Police at Medical team sa lahat ng NAIA Terminals. 

Ang Malasakit Help Desks, sa kabilang banda, ang magiging focal point para sa lahat ng mga katanungan na may kaugnayan sa airport at airline operasyon at ang mga karapatan ng mga pasahero.

Nakabantay din dito anuman oras at handang tumulong ang mga taga-MIAA at ang Civil Aeronautics Board, ang huli ang dapat tumulong sa mga pasahero tungkol sa mga isyu na tumutukoy sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng Air Passenger Bill of Rights.

Nananawagan si Monreal, sa mga depar-ting passengers na kailangan nasa NAIA sila 3 hours before departure flights para sa international flights at 2 hours para naman sa domestic flights para hindi magkaaberya sa check-in.

 

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with