NCRPO may 300 bagong pulis
MANILA, Philippines — Upang mas matugunan ang pangangailangan sa bilang ng mga pulis at mapalitan ang mga natanggal sa serbisyo, nasa 300 bagong pulis ang nadagdag sa hanay ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).
Nasa 240 lalaki at 60 babaeng recruits ang nakapasa sa Patrolman/Patrolwoman Recruitment Program ng PNP na muling sasailalim sa mas mahirap na pagsasanay para maging permanente.
“After undergoing a battery of physicals, medical, dental and neuropsychiatric tests to gauge their capability and endurance, the rookie policemen and policewomen will begin formal training in police science, combat and tactics, operations and traffic procedures, among other things, at the National Capital Region Training Center,” ayon kay NCRPO Diretor, PMajGen Guillermo Eleazar.
Sasailalim sila sa anim na buwang Public Safety Basic Recruit Course, kasunod ang Field Training Program na tatagal din ng anim na buwan bago makakuha ng permanenteng status sa PNP roster.
Mahigpit naman ang naging tagubilin ni Eleazar sa mga bagong recruits na magsilbi nang tapat, mahusay at may integridad at maging huwaran upang mawalis ang lahat ng scalawag sa hanay ng pulisya.
- Latest