^

Metro

Angkas, nag-sorry sa ‘sex tweet’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Angkas, nag-sorry sa �sex tweet�
Hindi nagustuhan ng publiko ang tweet ng Angkas, at nakatawag din ng pansin sa mga awtoridad sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP).
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nag-sorry sa publiko ang motorcycle hailing service na Angkas kaugnay ng kanilang kontrobersyal na ‘sex tweet’.

Hindi nagustuhan ng publiko ang tweet ng Angkas, at nakatawag din ng pansin sa mga awtoridad sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP).

“Angkas is like sex. It’s scary the first time pero masarap na ulit-ulitin. New user? Use promo code ANGKASARIWA on your first 2 rides,” anang naturang kontrobersiyal na tweet ng Angkas.

Kaagad namang binura ng Angkas ang kanilang tweet matapos na sitahin ng mga awtoridad dahil hindi anila ito katanggap-tanggap at sa halip na makaakit ng mga pasahero, ay posibleng magdulot pa ng takot sa mga ito.

Naglabas na rin ng pahayag kahapon ang Angkas, na pirmado ni Angeline Tham, na siyang chief executive officer nito at may petsang Agosto 1, upang humingi ng paumanhin.

“We must admit that we made a misstep today. We would like to emphasize that making our riders feel uncomfortable is the last thing we want to do. For this, we sincerely apologize,” bahagi ng pahayag. 

Aniya, hindi nila intensiyong iparamdam sa kanilang mga suki na hindi ligtas ang kanilang mga parokyano na maaaring nakapagbigay ng duda sa kanilang integridad.

Paliwanag pa niya, ang tunay na mensaheng nais nilang ipahiwatig sa tweet ay maaaring pagkatiwalaan ang kanilang serbisyo sa sandaling masubukan na ito.

 Maging sa kanilang bikers ay humingi rin ng paumanhin ang Angkas dahil alam nilang naturuan naman silang respetuhin ang mga pasahero.

Kilala ang Angkas sa makukulay at “meme-worthy” nilang mga tweets, na ang layunin ay isulong at iendorso ang kanilang serbisyo, na madalas namang kinagigiliwan ng mga commuters. 

vuukle comment

ANGKAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with