^

Metro

Taxi driver na holdaper, arestado

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang isang taxi driver na holdaper matapos biktimahin ang tatlong pasahero nitong Chinese, kahapon sa Pasay City.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police ang suspect na si Fredelino Amido, 43, ng Bagong Barrio, Caloocan City, habang pinaghahanap naman  ang kasabwat nitong si Ricardo Villaren.

Kinilala naman ang mga biktima  na sina Qing Chen,  31; Ling Hui,  47 at Yanni Liao,  31.

Ayon sa report na natanggap ng hepe ng Pasay City Police na si P/Colonel Bernard Yang,  alas-3:30 ng madaling araw nang sumakay ang mga biktima sa taksing pinapasada ng suspect, Richmelyn Taxi na ( AA14919) sa tapat ng isang supermarket   sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Boulevard kung saan magpapahatid ang mga ito sa kanilang tinutuluyang hotel sa Mandaluyong City.

Hindi pa nakakalayo ang mga ito, nang itigil ng suspect ang pinapasada nitong taxi at sumakay sa unahan ang kasabwat na si Villaren at dito na nagdeklara ng holdap gamit ang repli­kang baril.

Nilimas ng mga suspect ang cellphone, pera at personal na gamit ng mga biktima, ngunit tiyempo namang nagpapatrolya ang mga pulis at namataan ang komosyon mula sa nabanggit na taxi.

Agad itong nirespondehan kung saan nadakip pagkakada­kip kay si Amido habang mabilis naman nakatakas ang kasama nitong si Villaren.

Inihahanda na ng Pasay City Police ang mga kasong isasampa laban sa nabanggit na suspect.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with